background cover of music playing
Batang-Bata Ka Pa - APO Hiking Society

Batang-Bata Ka Pa

APO Hiking Society

00:00

04:09

Similar recommendations

Lyric

Batang-bata ka pa at marami ka pang

Kailangang malaman at intindihin sa mundo

'Yan ang totoo

Nagkakamali ka kung akala mo na

Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang

Batang-bata ka lang at akala mo na

Na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman

Buhay ay 'di gan'yan

Tanggapin mo na lang ang katotohanan

Na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam

Makinig ka na lang, makinig ka na lang

Gan'yan talaga ang buhay, lagi kang nasasabihan

'Pagkat ikaw ay bata at wala pang nalalaman

Makinig ka sa 'king payo 'pagkat musmos ka lamang

At malaman nang maaga ang wasto sa kamalian

Batang-bata ako, nalalaman ko 'to

Inaamin ko rin na kulang ang aking nalalaman

At nauunawaan

Ngunit kahit gan'yan ang kinalalagyan

Alam ko na may karapatan ang bawat nilalang

Kahit bata pa man, kahit bata pa man

Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan

Sariling pagraranas ang aking pamamagitan

Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay

Maging tunay na malaya sa katangi-tanging bata

Batang-bata ka pa at marami ka pang

Kailangang malaman at intindihin sa mundo

(Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan)

Batang-bata ka lang at akala mo na

Na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman

(Sariling pagraranas ang aking pamamagitan)

Nagkakamali ka kung akala mo na

Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang (la-la-la-la-la-la-la)

La-la-la-la-la-la (imulat ang isipan)

La-la-la-la-la-la-la (sa mga kulay ng buhay)

La-la-la-la-la-la

La-la-la-la-la-la-la

La-la-la-la-la-la

La-la-la-la-la-la-la

La-la-la-la-la-la

- It's already the end -