background cover of music playing
Sabi Nila - Agaw Agimat

Sabi Nila

Agaw Agimat

00:00

03:40

Similar recommendations

Lyric

Sabihin man nilang ako ay bata pa

'Di ko pa raw alam kung paanong umibig sa kanya

Sa karanasan daw ako ay hilaw pa

"Mag-aral ka pa," iyan ang sabi nila

Oh-oh-oh, oh-oh-oh, oh

Maaring sa isang punto, sila ay tama

Maaring sa karanasan, ako ay hilaw pa nga

Dahil 'di ko pa naranasang buhay ko'y itaya

Dahil 'di ko pa naranasang sumagupa sa tingga

Maaring kulang din ang aking pagkaunawa

Sa mga suliranin ng ating bansa

Maaring kulang din ang aking kaalaman

Sa iba't ibang daing ng ating sambayanan

Sabihin man nilang ako ay bata pa

'Di ko pa raw alam kung paanong umibig sa kanya

Sa karanasan daw ako ay hilaw pa

"Mag-aral ka pa," iyan ang sabi nila

Oh-oh-oh, oh-oh-oh, oh

Ngunit dahil ba kulang pa'ng aking karanasan?

At marami pa 'kong dapat pag-aralan?

Ang pag-ibig ba nila'y 'di ko kayang pantayan?

Para sa 'kin ito'y isang maling kaisipan

Ang pag-ibig sa bayang kinagisnan

Ay sa puso at hindi sa isip lang

Ito'y nararamdaman at hindi napag-aaralan

Ito'y walang kinikilalang edad kailanman

Sabihin man nilang ako ay bata pa

'Di ko pa raw alam kung paanong umibig sa kanya

Sa karanasan daw ako ay hilaw pa

"Mag-aral ka pa," iyan ang sabi nila

Sabihin man nilang ako ay bata pa

'Di ko pa raw alam kung paanong umibig sa kanya

Sa karanasan daw ako ay hilaw pa

"Mag-aral ka pa," iyan ang sabi nila

Oh-oh-oh, oh-oh-oh, oh

- It's already the end -