background cover of music playing
Zebbiana - Skusta Clee

Zebbiana

Skusta Clee

00:00

05:04

Similar recommendations

Lyric

Flip-D on the beat

Panty Droppaz League

Kapag naaalala ko ang mga araw

Na magkasama tayong dalawa

Ngiti at luha sa aking mga mata

Gano'n na pala tayo dati kasaya

'Yong tipong kapag tayo'y nagkatitigan

Magngingitian para bang nahihibang

Mag-iingay kahit sobrang tahimik ng kapaligiran

Kahit may nagrereklamo na'y wala tayong pakialam

Panahong nando'n ka pa, laging pumupunta

'Di inaasahan, may sorpresa ka laging dala

Ang saya-saya, ayoko lang 'pahalata

Kasi okay na naman ako basta makasama ka

Kaso lang, wala na

Pero alam ko na masaya ka na

Sa mundo ko, wala nang makakagawa

Makakatumbas ng 'yong napadama

Kaya salamat sa pag-ibig mo, pag-ibig mo

Lagi kang nasa puso't isip ko, isip ko

At inaamin ko na nami-miss kita

(Inaamin ko) na nami-miss kita

Sa 'kin ikaw pa rin ang baby ko, ang baby ko

Kahit wala ka na sa piling ko, sa piling ko

Pangakong ipagdadasal pa rin kita

Ipagdadasal pa rin kita

Kasi 'di ko na matiis, love

Dahan-dahan kitang nami-miss, love

Ilang beses man nilang aliwin

Ikaw at ikaw pa rin ang gusto kong kini-kiss, love

'Di pumapayag na 'di kita kasama

Kung makayakap, daig pa mag-asawa

Nakaalalay sa ano mang bagay

Mawala man ako sa sarili, laging nand'yaan ka

At kung mababalik ko lang

Aayusin ko lahat sa loob ng pitong buwan

Maghihilom ang lahat sa puso mo na duguan

Balang araw kaso biglang umulan, yeah

Dahil nga wala ka na

Pero alam ko na masaya ka na

Sa mundo ko, wala nang makagagawa

Makakatumbas sa 'yong napadama, oh

Alam ko namang kasalanan ko

Oh, sinayang ko

Malabo nang pagbigyan mo

Malabo nang pagbuksan mo

Kahit ano pa'ng paghirapan ko

Pa'no kung ayaw mo?

Ano'ng magagawa ko?

Ano'ng magagawa ko?

Kaya salamat sa pag-ibig mo, ibig mo

Lagi kang nasa puso't isip ko, isip ko (puso't isip ko)

At inaamin ko na nami-miss kita

Na nami-miss kita

Sa 'kin ikaw pa din ang baby ko, ang baby ko (baby ko)

Kahit wala ka na sa piling ko, piling ko (sa piling ko)

Pangakong ipagdadasal pa rin kita (yeah, yeah, yeah)

Ipagdadasal pa rin

Kaya salamat sa pag-ibig mo, pag-ibig mo

Lagi kang nasa puso't isip ko, isip ko

At inaamin ko na nami-miss kita (hey, nami-miss kita)

Na nami-miss kita (no, no, no)

Sa 'kin ikaw pa rin ang baby ko, ang baby ko

Kahit wala ka na sa piling ko, sa piling ko

Pangakong ipagdadasal pa rin kita (hey!)

Ipagdadasal pa rin kita (no, no, no)

Hey!

- It's already the end -