background cover of music playing
Titig - MC Einstein

Titig

MC Einstein

00:00

04:19

Similar recommendations

Lyric

Ewan ko kung pa'no ko bibitbitin 'yung pagtingin ko

Kasi kung hanggang tingin lang ay bitin

Ayoko rin naman 'to kimkimin

Kaso mukhang hindi ko pa rin 'to sa 'yo kayang banggitin

At baka isnabin mo lang at 'di mo pansinin

Bitin kahit na empi, beer at gin ang inumin

'Yung tapang ay wala pa rin, sa'n ko hihiramin?

Kahit maglasing, wala rin kung paggising ko, duwag pa rin

Pa'no sasama kung hindi ako nag-aaya?

Pa'no tatama kung hindi ako tumataya?

Minsan iniisip ko na 'wag na lang kaya

Kaso yung isip ko ay nagbabago din maya-maya

At sobra sa pag-asa, kulang sa kumpiyansa

Kaya mukhang malabong magka-tiyansa

Gusto ko lang naman ay maging Popoy mo, Basha

'Yan ang matagal ko nang pantasya

Matagal na kitang sinusundan

Tinititigan at hindi maiwasan

Na ikaw ay 'di tingnan sa malayuan

At pinag-iisipan ko kung anong paraan

Para ikaw ay malapitan

Kaso malayo ang pagitan

Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala

Sa 'king ginagawa na 'pag ka tumaya ay 'wag mapahiya

'Di lang ako kumikibo, matagal nang tumitibok

Ang puso ko para sa 'yo kaso minsan kumikirot

'Di ko kasi masabi, 'di ako umaarte lang

'Di ko lang alam kung pa-paano aatake

Kasi baka naman ako ay tablahin

Kaya tinatak sa isip ko na 'wag nang tangkain

Panaginip lang lahat ng 'yon, ako ay tampalin

Para gising na 'ko, tamang panahon, aantayin ko na lamang

Kasi wala naman masama sa magtiyaga

Kung para sa akin ka, eh, 'di mag-aabang ako

Hanggang sa mayro'ng mapala

Kaso wala naman magaganap

Lalo't na 'pag wala ako ginawa

'Tsaka baka mamuti lang ang mata

'Pag nag-antay ng himala

'Di naman malabo na mapansin mo ko

Kapag 'di ako nagtatago

Kailangan ko lamang na maging matapang

Kung gusto ko na magka-tayo

Wala naman kasing ibang paraan

Kung sa takot ay magpapatalo

Kawawa lang ako, puro lang tingin sa malayo

Kailangan ko ng pagbabago kasi...

Matagal na kitang sinusundan

Tinititigan at hindi maiwasan

Na ikaw ay 'di tingnan sa malayuan

At pinag-iisipan ko kung ano ang paraan

Para ikaw ay malapitan

Kaso malayo ang pagitan

Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala

Sa 'king ginagawa na 'pag ka tumaya ay 'wag mapahiya

Kay tagal na din pala kung iisipin mo

Kaso hindi ko pala 'to alam, sino'ng sisisihin ko?

Kundi sarili ko na labis ang takot na baka mapahiya lang

Torpe man na kung ituring ay wala akong pakialam

Sa sasabihin ng mga hibang na walang pake sa nararamdaman

Sana at iyo 'tong maramdaman na mahal kita nang hindi mo alam

Nabihag mo kasi, ganda mo pang-fantasy

'Yan ang pinoproblema ko, ako ay simple lang kasi

Pa'no ba kita mapapaibig? (mapapaibig)

Sa mga mata'y 'di makatitig ('di makatitig)

Baka diskarte ko magkaloko-loko

Kaso hindi ko na mapigilan na ika'y masolo ko

Sa pa'nong atake kita makakausap?

Hindi ko mawari, baka ika'y magulat

'Pag ako'y lumapit na, kaba sa dibdib ko'y matik na

Nais ko lang ay malaman mo na noon pa man ay matagal na kitang...

Matagal na kitang sinusundan

Tinititigan at hindi maiwasan

Na ikaw ay 'di tingnan sa malayuan

At pinag-iisipan ko kung ano'ng paraan

Para ikaw ay malapitan

Kaso malayo ang pagitan

Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala

Sa 'king ginagawa na 'pag ka tumaya ay 'wag mapahiya

Matagal na kitang sinusundan

Tinititigan at hindi maiwasan

Na ikaw ay 'di tingnan sa malayuan

At pinag-iisipan ko kung ano'ng paraan

Para ikaw ay malapitan

Kaso malayo ang pagitan

Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala

Sa 'king ginagawa na 'pag ka tumaya ay 'wag mapahiya

- It's already the end -