background cover of music playing
Nakangiti - Wilbert Ross

Nakangiti

Wilbert Ross

00:00

05:32

Similar recommendations

Lyric

Ikaw ang tanging rason

Sa maliwanag kong kalangitan

Walang kahit konting ambon

'Pag magkasama tayong dalawa

Sa 'yo lang nakatuon

Deretso lang ang tingin sa 'yong mata

Wala nang atrasan ngayon

Hayaan mong pagsilbihan kita

Hindi masukat ang aking saya

'Wag ka nang mawala

Araw-gabing nakangiti dahil sa 'yo (dahil sa 'yo)

Pagkagising sa umaga, ikaw agad ang naiisip ko

Sa tanghali, sa pagkain, ikaw ang gustong kaharap

Pati pagtulog sa gabi hanggang sa panaginip

Tila imahinasyon lahat ng nangyari sa 'ting dalawa

Parang nasa telebisyon, ako ang prinsipeng sasagip sa 'yo, sinta

Ikaw at ako laban sa buong mundo

Kahit sino pa kayo

Tadhana na ang mismong nagsalita

Na 'di ka na mawawala

Araw-gabing nakangiti dahil sa 'yo (dahil sa 'yo)

Pagkagising sa umaga, ikaw agad ang naiisip ko

Sa tanghali, sa pagkain, ikaw ang gustong kaharap

Pati pagtulog sa gabi hanggang sa panaginip

Parang Adan at Eba, parang Florante at Laura

Parang si Jack at si Rose 'pag sa pintuan nagkasya

Parang si Popoy at Basha, parang si Shrek at si Fiona

Parang si Mario't prinsesa na sasagipin ka

Araw-gabing nakangiti dahil sa 'yo

Magmukha man akong baliw, basta alam kong masaya ako

Araw-gabing nakangiti dahil sa 'yo (dahil sa 'yo)

Pagkagising sa umaga, ikaw agad ang naiisip ko

Sa tanghali, sa pagkain, ikaw ang gustong kaharap

Pati pagtulog sa gabi hanggang sa panaginip

- It's already the end -