background cover of music playing
Daluyong - dwta

Daluyong

dwta

00:00

06:32

Similar recommendations

Lyric

Palutang-lutang sa karagatan

Ang isipang minulat sa katotohanan

Tulalang pinagmamasdan ang karimlan

Ito ba ang pilit iparating ng bangungot ng nakaraan?

Hahampas pa kaya ang alon sa dalampasigan?

Iduduyan pa kaya ng hangin ang 'yong kapalaran?

Kasabay tayo sa paglalakbay ng kalawakan

Lahat ng bagay ay may natatago na kahulugan

Biglang tatangay ng buhay sa 'di inaasahan

Lahat ng bagay ay damay-damay sa maaaring pakay ng kalikasan

Kung ano ang iyong itinapon

'Di na maaaring ibalik sa ngayon

Pag-isipan nang 'di pagsisihan

Gagambalain ng kahapon ang kasalukuyan

Hahampas pa kaya ang alon sa dalampasigan?

Iduduyan pa kaya ng hangin ang 'yong kapalaran?

Kasabay tayo sa paglalakbay ng kalawakan

Lahat ng bagay ay may natatago na kahulugan

Biglang tatangay ng buhay sa 'di inaasahan

Lahat ng bagay ay damay-damay sa maaaring pakay ng kalikasan

Hahampas pa kaya ang alon sa dalampasigan?

Iduduyan pa kaya ng hangin ang 'yong kapalaran?

Kasabay tayo sa paglalakbay ng kalawakan

Lahat ng bagay ay may natatago na kahulugan

Biglang tatangay ng buhay sa 'di inaasahan

Lahat ng bagay ay damay-damay sa maaaring pakay ng kalikasan

- It's already the end -