background cover of music playing
Sabi-sabi - Cesca

Sabi-sabi

Cesca

00:00

03:43

Similar recommendations

Lyric

Usap-usapan nanaman tayong dalawa

Meron nanamang kumalat na balita

Sabi-sabi ng ating mga kaibigan

Iba daw ang pagtingin ko sa'yo

Parang ewan lang, diba?

Puro bola ang mapapala natin sakanila

'Sensya na alam kong nakakailang, 'di bale

Wala akong gusto sa'yo

At kung mahulog man ay

'Di ko masasabi

At kahit nais ko ay

'Di ko kayang gawin

Sabi-sabi ng iba bagay daw tayo, ooh

Dati-rati ay parang bale wala lang ang mga tukso

At ngayon-ngayon na lang naramdaman ng aking puso

Na parang mayroong nag-iba sa pagtingin ko sa'yo

Usap-usapan nanaman tayong dalawa

Sana lang malaman kung anong ganap sa

Iyong isipan, alam ko na kaibigan lang

Ang pagtingin mo sa'kin ngayon

'Di ako naiilang sa kanila

'Lam mo namang sanay akong mapagtripan, pero

'Di ko rin masabing 'di ko napapag-isipan

Ang pagtingin ko sa'yo

Pasensya na't tahimik

Lang ako sa ganito

Sana'y iyong madinig ang

Tibok ng puso ko

Sabi-sabi ng iba bagay daw tayo, ooh

Dati-rati ay parang bale wala lang ang mga tukso

At ngayon-ngayon na lang naramdaman ng aking puso

Na parang mayroong nag-iba, parang may nagbago

Sa aking pagtingin

Ano bang gagawin?

O sana'y 'di pansin

Na ako ay umiibig, ooh

Sabi-sabi ng iba bagay daw tayo, ooh

Dati-rati ay parang bale wala lang ang mga tukso

At ngayon-ngayon na lang naramdaman ng aking puso

Na parang mayroong nag-iba sa ating pag-ibig

O mayroong nag-iba sa ating pagtingin

- It's already the end -