background cover of music playing
Higit Sa Sapat - This Band

Higit Sa Sapat

This Band

00:00

04:35

Similar recommendations

Lyric

Ikaw ay dumating sa 'di inaasahan

'Di alam ang gagawin, nangako sa sariling

'Di iibig pang muli, parati lang sawi

Aasang wala nang sakit

Nang makita, 'di pa naniwala

Pinakita, puso'y nagtiwala

Lumiwanag ang dilim, luminaw ang tingin

Nagbago'ng lahat sa akin

Ikaw ang sagot sa mga panalangin

Ang naghilom ng mga sugat sa 'kin

Ibibigay lahat, magiging tapat

Ikaw ang higit sa sapat

Ngayo'y andito na sa bagong kabanata

Saksi lahat sila, sa 'yo ay mangangakong

'Di na mag-iisa sa hirap at saya

Habang-buhay kang kasama

Ikaw ang sagot sa mga panalangin

Ang naghilom ng mga sugat sa 'kin

Ibibigay lahat, magiging tapat

Ikaw ang higit sa sapat

Wala nang ibang iibigin, oh

Walang panahong sasayangin

Susulitin ang lahat ng oras na kasama ka

Ako'y magiging tapat, 'di hahanap ng iba

'Di na mag-aalala sa buhay na kasama ka

Dahil ikaw ang higit sa sapat, oh-whoa

Ikaw ang sagot

Ang naghilom

Ibibigay lahat, magiging tapat

Ikaw ang higit sa sapat

Ikaw ang sagot sa mga panalangin

Ang naghilom ng mga sugat sa 'kin

Ibibigay lahat, magiging tapat

Ikaw ang higit sa sapat

Ikaw ang sagot sa mga panalangin

Ang naghilom ng mga sugat sa 'kin

Ibibigay lahat, magiging tapat

Ikaw ang, ikaw lang, ikaw lamang

Ikaw ay higit sa sapat

Higit sa sapat

- It's already the end -