background cover of music playing
Habang Atin Ang Gabi - South Border

Habang Atin Ang Gabi

South Border

00:00

04:51

Similar recommendations

Lyric

Sumapit man ang dilim

Hindi mangangamba

Magkakanlong sa dilim

Hindi nag-iisa

Dahil kapiling ka, oh

Lumalim man ang gabi

Hindi mahihimbing

Aabangan ang buwan habang binibilang

Ang mga bituin

Ang luha at dahas ng nagdaang umaga

Sa lambong ng gabi, tila naglaho na

May luha at dahas sa darating na bukas

Ngunit habang gabi, walang mababakas, whoa

Yakapin mo ako habang atin ang gabi

Habang atin ang mundo

Oh-whoa, oh

Oh, oh

Paglipas ng magdamag

Hindi malulumbay

Dahil buong magdamag

Tayong dal'wa, sinta, nangarap nang sabay

Ang luha at dahas ng nagdaang umaga

Sa lambong ng gabi, tila naglaho na

May luha at dahas sa darating na bukas

Ngunit habang gabi, walang mababakas, oh

Yakapin mo ako habang atin ang gabi, oh

Yakapin mo ako habang atin ang mundo, ooh

Yakapin mo ako habang atin ang gabi

Habang atin ang mundo

- It's already the end -