00:00
03:53
“Nakapagtataka” ay isang kilalang awitin ng Filipino band na Sponge Cola. Inilabas ito bilang bahagi ng kanilang album na “Ultrablessed” noong 2013. Ang kanta ay nagpapakita ng kanilang kahusayan sa paghalo ng alternative rock at pop na elemento, na tumatalakay sa mga emosyon at mga katanungan sa buhay. Ang "Nakapagtataka" ay naging paborito ng maraming tagapakinig at nagpapatunay sa tibay at talento ng Sponge Cola sa musikang Pilipino.
Walang tigil ang gulo sa aking pag-iisip
Mula nang tayo'y nagpasiyang maghiwalay
Nagpaalam 'pagkat hindi tayo bagay
Nakapagtataka
Kung bakit ganito ang aking kapalaran
'Di ba ilang ulit ka nang nagpaalam?
Bawat paalam ay puno ng iyakan
Nakapagtataka (nakapagtataka)
Hindi ka ba napapagod
O 'di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhan
Walang-hanggang katapusan?
Napahid na'ng mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman
Walang tigil ang ulan at nasaan ka, araw?
Napa'no na'ng pag-ibig sa isa't isa?
Wala na bang nananatiling pag-asa?
Nakapagtataka (saan na napunta?)
Hindi ka ba napapagod
O 'di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhan
Walang hanggang katapusan?
Napahid na'ng mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman
♪
Napahid na'ng mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't 'di tayo magkasunduan?
Oh-whoa, whoa-oh