00:00
04:48
Ang "Sa Susunod na Habang Buhay" ay isang bagong awitin mula sa kilalang banda na Ben&Ben. Kilala ang grupo sa kanilang makabagbag-damdaming mga liriko at melodikong tunog, at ang kantang ito ay hindi naiiba. Tinutukoy nito ang walang hanggang pagmamahal at pangakong magpapatuloy hanggang sa susunod na buhay. Agad na tinanggap ng mga tagahanga ang kanta, na nagpapakita ng patuloy na kasikatan at impluwensya ng Ben&Ben sa industriya ng OPM.
Kaya namang makayanan
Kahit pa na nahihirapan
Kahit lungkot, dumaraan
'Pag natuyo na ang luha
Parang nahipan
Ang 'yong kandila
Init ay wala
Hindi ba, pangako mo no'ng una, tiwala'y iingatan?
Baka naman, sa susunod na habang-buhay, ha-ay, na lang
♪
'Di talaga inasahang
Magkagulo't magkagulatan
Tahanang pinagpaguran
Sa'n na napunta?
Hindi ba, pangako mo no'ng una, tiwala'y iingatan?
Baka naman, sa susunod na habang-buhay, ha-ay
♪
Hindi ba, pangako mo no'ng una, tiwala'y iingatan?
Baka naman, sa susunod na habang-buhay, ha-ay
At kahit nabago na ng oras, ang puso ma'y nabutas
Ikaw pa rin sa susunod na habang-buhay, ha-ay, ha-ay
Ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin
Sa susunod na habang-buhay