00:00
06:07
“Nang Iwan” ay isang bagong kanta ng grupong This Band na tumatalakay sa tema ng pag-ibig at pagkakalayo. Kilala ang This Band sa kanilang makabagong tunog na pinaghalo ang tradisyonal at kontemporaryong elemento ng musika. Ang awiting ito ay mabilis na naging paborito ng mga tagapakinig dahil sa malalim na liriko at masiglang melodiya. Pinapakita ng “Nang Iwan” ang husay ng This Band sa paggawa ng mga kantang may emosyonal na lalim at kapana-panabik na ritmo. Patuloy na tinatangkilik ng fans ang kanilang musika at inaasahang magdadala pa sila ng mas maraming hit sa hinaharap.
Nagtataka, natatakot, nalulungkot, nag-iisa
Alaala no'ng panahon ng nand'yan ka
Tila bangungot nang magising at wala ka na, wala ka na
Nangangamba kung ako pa kaya'y iibigin pa
Dahil sa 'yong dinulot, parang wala na
Ang puso ko ngayo'y pagod nang umibig pa, umibig pa
Ilang taon ang tiniis para hindi ka umalis
Ngunit ako'y iyong nilisan, ako ba ang may kulang?
Bakit ba binuhos, panahon ko sa iyo?
Hindi na dapat pang inalay sa 'yo ang puso ko
Ngayon, ako'y nahihirapan, 'kala ko'y walang hangganan
Ang sakit-sakit isipin na ako'y iyong iniwan
'Di mapinta, aking sarili nang ikaw ay mawala
Hanapin ang sarili'y 'di ko na kaya
Hanggang kailan kaya ako magdurusa, magdurusa?
Ano ba'ng mali? Bakit sa t'wing iibig, ako'y laging sawi?
Ibigin ang sarili ay nawala na
Hanggang kailan kaya ako magdurusa, magdurusa?
Ilang taon ang tiniis para hindi ka umalis
Ngunit ako'y iyong nilisan, ako ba ang may kulang?
Bakit ba binuhos, panahon ko sa iyo?
Hindi na dapat pang inalay sa 'yo ang puso ko
Ngayon, ako'y nahihirapan, 'kala ko'y walang hangganan
Ang sakit-sakit isipin na ako'y iyong iniwan
At kung muli na magtagpo
Sana sabihin mo na lang ang totoo
At kung huling usap na 'to
Isang tanong na lang ang sasabihin ko
Oh, bakit ba binuhos, panahon ko sa iyo?
Hindi na dapat pang inalay sa 'yo ang puso ko
Ngayon, ako'y nahihirapan, 'kala ko'y walang hangganan
Ang sakit-sakit isipin na ako'y iyong iniwan
Oh, bakit ba binuhos, panahon ko sa iyo?
Hindi na dapat pang inalay sa 'yo ang puso ko
Ngayon, ako'y nahihirapan, 'kala ko'y walang hangganan
Ang sakit-sakit isipin na ako'y iyong iniwan
Bakit ba binuhos, panahon ko sa iyo? (Oh, bakit ba binuhos?)
Hindi na dapat pang inalay sa 'yo ang puso ko
Ngayon, ako'y nahihirapan
Ang sakit-sakit isipin na ako'y iyong iniwan