background cover of music playing
Aso - Siakol

Aso

Siakol

00:00

04:17

Song Introduction

Walang kasalukuyang impormasyon tungkol sa kantang ito.

Similar recommendations

Lyric

Ako'y may alaga asong mataba

Buntot ay mahaba, makinis ang mukha

Mahal niya ako, mahal ko rin sya

Kaya kaming dalawa ay laging magkasama

Kung ako ay aalis, siya'y sumusunod

Sa aking pagbabalik pamawi ng pagod

Mahal niya ako, mahal ko rin sya

Hindi lang s'ya alaga, kaibigan ko pa

Kahit hayop ay dapat ring mahalin

Lalo't maamo at masunurin

Sila'y alagaan at 'wag pababayaan

Tao at hayop may unawaan

Sa aking pag-iisa aso ko ang kasama

Sa aking pagtulog, katabi ko sa kama

Mahal niya ako, mahal ko rin sya

'Pag lalambing niya aking damang dama

'Pag siya'y binabato, aking pinagtatanggol

'Pag ako'y inaaway, kanyang tinatahol

Mahal niya ako, mahal ko rin sya

Kaibigan tunay sa hirap at ginhawa

Kahit hayop ay dapat ding mahalin

Lalo't maamo at masunurin

Ngunit minsan ay 'di mo rin akalain

Ang pangyayari ay nagbabago rin

Kahol sya ng kahol, ang aso ko'y nauulol

Laking gulat ko pati ako ay hinabol

Mahal niya ako, mahal ko rin sya

Kaya ganon nalang ang aking pagtataka

Ako'y may alaga asong mataba

Bunto't ay mahaba, makinis ang mukha

Kinagat niya ako, kinagat ko rin sya

Ang kawawa kong alaga, pulutan ko na

- It's already the end -